Pamasahe sa eroplano, tumaas na rin dahil sa mataas na presyo ng langis

102

Apektado na rin ng walang prenong oil price hike ang presyo ng ticket ng ilang airline companies.

Ang Air Asia Philippines, itinaas na sa Level 7 ang fuel surcharge cost mula sa Level 4.

Katumbas ito ng P201 hanggang P768 na dagdag-singil sa ticket para sa domestic flight habang P1,035 hanggang P1,827 naman sa international flights.


Paliwanag ni Air Asia Philippines Spokesperson Steve Dailisan, ang pagtaas sa fuel surcharge na sinisingil sa mga pasahero ay bunsod ng pagtaas ng presyo ng jet fuel na ginagamit sa eroplano.

Nilinaw naman ni Dailisan na hindi napupunta sa kita ng airline ang naturang dagdag-pasahe kundi sa pambawi lamang sa taas ng presyo ng jet fuel.

Facebook Comments