Pamaskong handog para sa Makatizens, may dagdag na libreng face shield

42
Photo Courtesy: My Makati | Facebook

Libreng face shield ang bago sa laman ng Christmas bag para sa pamaskong handog ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Makati.

Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, nais ng pamahalaang lungsod na manatiling ligtas laban sa COVID-19 at malusog ang Makatizens lalo na ngayong kapaskuhan.


Aniya, maliban sa face shield, laman din ng Christmas bag ang Makatizen shirt, tatlong lata ng tuna flakes in oil, tatlong lata ng tuna flakes kaldereta, tatlong lata ng corned beef, isang lata ng luncheon meat, dalawang lata ng vienna sausage, isang pack ng spaghetti sauce, isang pack ng pasta, isang lata ng fruit cocktail, isang lata ng kondensada, isang pack ng keso at isang lata ng all-purpose cream.

Samantala, ang lungsod ng Makati ay mayroon nang 8,306 na kabuuang bilang ng confirmed cases ng COVID-19 kung saan 7,699 dito ay mga gumaling na habang ang 301 ay mga nasawi habang 306 ang active cases.

Facebook Comments