Pambato ng Negros Occidental na si Gwendolyne Fourniol, itinanghal na Miss World Philippines 2022

165

Itinanghal bilang Miss World Philippines 2022 ang pambato ng Negros Occidental na si Gwendolyne Fourniol.

Ito ay matapos ganapin ang coronation night kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Dito ay ipinamana ni Miss World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez ang susunod na magdadala ng titulo at kakatawan sa Pilipinas sa ika-71 edisyon ng Miss World na hanggang sa ngayon ay wala pang detalye.


Dahil dito ay susubukan ni Fourniol na makapag-uwi ng ikalawang Miss World crown kung saan una itong inuwi ni Megan Young siyam na taon ang nakalilipas.

Habang narito naman ang iba pang #MWPH2022 winners:

Miss World Philippines Tourism 2022: Justine Felizarta



Miss World Philippines Charity 2022: Cassandra Chan

Miss Eco Teen Philippines 2022: Beatriz Mclelland


Miss Supranational Philippines 2022: Alison Black

Miss Eco Philippines 2022: Ashley Montenegro

At Miss Reina Hispanoamericana Filipinas 2022 na si Ingrid Santamaria.

Facebook Comments