Pambato ng Pilipinas sa Kickboxing sa Sea Games, ilalabas na!  

Sasabak ang 18-man Delegation ng Philippine Kickboxing Team sa isang sparring session ngayong Linggo.

Dito pipiliin ang walong magrerepresenta ng bansa sa darating na 38th Sea Games.

Ayon kay Samahan ng Kickboxing ng Pilipinas Secretary-General, Atty. Wharton Chan, hindi magiging madali ang kanilang pagpili dahil lahat ay may potensyal na makapag-uwi ng medalya.


Nasa Baguio ngayon ang National Squad at patuloy na nag-eensayo para sa sasalihang World Championship sa Turkey sa susunod na buwan.

Facebook Comments