PAMBUBUGBOG SA PNPA | NAPOLCOM, magsasagawa ng sariling imbestigasyon

61

Manila, Philippines – Magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang National Police Commission (NAPOLCOM) kaugnay sa umano’y pambubugbog ng mga kadete sa anim na bagong tinyete na graduates ng Maragtas Class of 2018 ng Philippine National Police Academy (PNPA).

Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman Atty. Rogelio Casurao titiyakin nilang mapaparusahan ang mga kadete.

Aniya, walang puwang sa akademya ang mga kadete na walang respeto sa kanilang upperclassmen.

Giit pa ni Casurao, dapat silang ma-dismiss sa PNPA oras na mapatunayang totoo ang akusasyon laban sa kanila.

Facebook Comments