Pamilya at kasamahan sa gobyerno, nagpaabot ng kanya-kanyang pabati at birthday wish sa Pangulo

64

Manila, Philippines – Nagpaabot ng kanya-kanyang pagbati at birthday wish kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pamilya nito at mga kasamahan sa gobyerno.

 

Sa kanyang post sa social media, good health ang hiling ni Davao City Mayor Sara Duterte para sa kanyang ama.

 

Pinasalamatan naman ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ang Pangulo sa aniya’y pagsusugal ng buhay para sa bansa at nangakong lagi itong susuportahan.

 

Mas mahabang buhay din ang birthday wish ni PNP Chief Ronald Dela Rosa para sa ika-72 kaarawan ng Pangulo.

 

Maging ang ilang senador gaya nina Chiz Escudero at Loren Legarda ay nagpaabot din ng kani-kanilang pagbati.

 

Anila, umaasa sila na hindi agad huhusgahan at mas uunawain pa ng publiko lalo na ng international community ang Pangulo.



Facebook Comments