Pamilya Castillo, umaasang makikipagtulungan ang mag-inang Trangia

22

Manila, Philippines – Umaasa ang pamilya Castillo na makikipagtulungan ang mag-inang Trangia hinggil sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio Castillo III.

Ayon sa ina ni Atio na si Carminia, nais nilang isiwalat ng mag-ina Rosemarie at Ralph ang mga nalalaman sa pagkamatay ng kaniyang anak.

Muli ring siyang nanawagan sa iba pang miyembro ng Aegis Juris Fraternity na lumantad na.

Nakatakdang magharap muli sa Department of Justice ang pamilya Castillo at ang kanilang mga kinasuhan sa Oktubre 24.

Doon na rin isusumite ang counter affidavit ng 18 orihinal na respondents sa kaso ni Castillo, kabilang ang mga suspek na sina John Paul Solano at ang mag-inang Rosemarie at Ralph.

Facebook Comments