Pamilya Dacera, nanindigang may krimeng nangyari sa pagkamatay ni Christine

236

Buo ang paniniwala ng pamilya ng namatay flight attendant na si Christine Dacera na mayroong krimeng nangyari sa biktima.

Ito ay sa kabila ng resulta ng pagsusuri ng Crime Laboratory ng Philippine National Police (PNP) na “natural death” ang nangyari sa dalaga.


Ayon kay Atty. Jose Ledda III, abogado ng pamilya Dacera, gagawin nila ang lahat para mabigyan ng hustisya si Christine.

Naniniwala ang pamilya Dacera na inabuso at pinagamit ng droga si Christine.

Batay sa medico legal report ng PNP Crime lab, lumalabas na “ruptured aortic aneurysm” o pagputok ng malaking ugat na dulot ng mataas na blood pressure ang ikinamatay ni Christine.

Posible rin umano na matagal nang may kondisyon si Christine tungkol sa naturang sakit.




Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Makati Prosecutor office para malaman ang tunay na ikinamatay ni Christine.

Ipagpapatuloy ang pagdinig sa February 3.

Facebook Comments