PAMILYA NG GINAHASANG DALAGITA SA BAYAMBANG, NANAWAGAN NG HUSTISYA

Hustisya ang sigaw ngayon ng pamilya ng biktimang dalagita na ginahasa sa bayan ng Bayambang at natagpuan nang walang buhay noong 19 ng Pebrero.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan sa ina ng biktima, inilahad niya kung anong klaseng anak ang biktima na bunso at natatanging babae sa tatlong magkakapatid.

Sinalaysay din nito ang mga huling araw na sila ay nagkasama bago mangyari ang malagim na krimen.

Gayunpaman, umaasa ang ina ng biktima na maihain ang hustisya sa lalong madaling panahon.

Samantala, ayon sa pulisya, sinampahan na ng kaso ang tatlong suspek na sangkot sa krimen ng Rape with Homicide. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments