Pamilya ng ikatlong person of interest sa Bulacan Massacre na si alyas Tony na natagpuang patay sa San Miguel, Bulacan – puno ng hinagpis matapos na hindi nabigyan ng pagkakataong malinis ang kanyang pangalan

304

Manila, Philippines – Puno nang hinagpis ngayon ang pamilya ng ikatlong person of interest sa Bulacan Massacre na natagpuang patay kaninang umaga sa Pacalag, San Miguel, Bulacan.

Positibong kinilala ng mga kaanak ang labi ni Anthony Garcia alyas “Tony” na natagpuang nakagapos at may karatula pa sa katawan.

Ayon sa pamilya Garcia – hindi man lang nabigyan ng pagkakataon si Tony na malinis ang pangalan nito sa isyu ng pagpatay kina Auring Dizon, anak nitong si Estrella at tatlong mga bata.


Sa limang persons of interest, una nang natagpuang patay si Rolando Pacinos alyas “Inggo”, habang pinagbabaril naman sa loob mismo ng kanyang bahay si Rosevelth Sorima, alyas“Ponga”.

Ang isa pang nabanggit ni Carmelino Ibanez alyas “Miling” na si Alvin Mabesa ay hindi pa rin nakita matapos dukutin ng ilang kalalakihan na sakay ng puting van na walang plate number.

Facebook Comments