Hustisya pa rin ang patuloy na panawagan ng pamilya ng nasawing bata sa lungsod ng Dagupan City na di umano’y Isa sa mga biktima ng Extrajudicial Killings sa kasagsagan ng War on Drugs.
Tanghali noong 23 ng Agosto 2016, dalawang kalalakihan umano na sakay ng motorsiklo ang walang habas na pinagbabaril ang bahay ng pamilya Garcia sa Mayombo, Dagupan City upang tugisin ang lolo ng biktima.
Sa hindi inaasahang pagkakataon habang naliligo si Danica, tinamaan ito ng bala na nagising sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.
Ilang araw bago mangyari ang insidente nagtungo pa umano ang lolo upang linisin ang pangalan nito sa druglist ng pulisya.
Sa pagkaka aresto Kay dating Pangulong Duterte na umano’y ‘mastermind’ ng bloody war on drugs, patuloy pa rin na isinisigaw ng pamilya Garcia ang hustisya laban sa mga nasa likod ng Pagpatay sa musmos na bata.
Ayon sa mga ulat, iginiit umano ng pulisya na hindi parte ang nangyari Kay Danica sa kanilang mga legitimate police operation.
Sa datos, humigit kumulang 7,000 libo ang napaslang sa loob ng anim na taon na madugong laban kontra droga, ngunit pinasinungalingan naman ng human rights advocates kung saan pumalo umano ito sa nasa 30,000 katao. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨