Pamilya ng mga estudyanteng nakaligtas sa Tanay Bus Tragedy, nagsampa na ng kaso

36

Nagsampa na ng kaso sa Quezon City Regional Trial Court ang ilan sa pamilya ng mga estudyanteng nakaligtas sa Tanay Bus Tragedy.

 

Kasama ang Lawyers for Commuters’ Safety and Protection (LCSP), sinampahan ng P2-million damage suit ang Bestlink College of the Philippines, Panda Coach Tours at Harana Tours Inc.

 

Samantala, nai-raffle na ang kaso ng Panda Tours sa QC RTC branch 105.

 

Sa Biyernes, nakatakdang aksyunan ng korte ang inihaing mosyon ng LCSP para hindi na kailangan pang magbayad ng 200-libong piso ang complainant para sa tinatawag na “docket fee” na kailangan sa pagsasampa ng civil case.

Facebook Comments