Pamilya ng nagtop-3 sa 2016 Bar Examination, pamilya ang naging inspirasyon

52

Dipolog, Philippines – Pamilya ang naging inspirasyon ni Atty. Athalia Briones Liong sa pagkuha ng bar examinations sa nakaraang taon at nag top 3.

Ito ang masayang pahayag ni Atty. Liong sa ginawang ambush interview ng ilang sakop ng media sa pagdating nito sa Dipolog City Airport mula sa isang family tour.

Ayon kay Liong, na isang Dipolognon at nagtapos ng kanyang Bachelor of Laws sa Andres Bonifacio College, na hindi niya inakalang makapasa sa nasabing bar exams at mag-top 3 dahil mahirap ito para sa kanya.

Aniya, pamilya ang ginawa niyang inspirasyon kung bakit nagawa niya ang lahat sa kabila ng hirap mula pa sa kanyang pag-review kung saan gusto na sana niyang umuwi ng Dipolog.

Ikinatuwa naman sa dean ng School of Law ng Andres Bonifacio College Dipolog na si Atty. Angela Pacatang Barbaso na nag-top 3 si Atty. Liong at pati narin sa mga pumasa sa 2016 bar examinations sa nasabing kolehiyo kung saan mayroong 16 ang naging bagong abogado na nagmula sa Andres Bonifacio College ng Dipolog.

DZXL558

Facebook Comments