Pamilya ng nasawing OFW sa UK, nakatanggap ng tulong mula sa OWWA

Nagtungo sa tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA sa Pasay City ang pamilya ng namayapang overseas Filipino worker (OFW) sa United Kingdom na si George Michael Castrudes.

Matatandaang naiulat sa mga news agency sa Jersey, United Kingdom ang pagkakasawi ni Castrudes kung saan na-rescue pa ito mula sa nasusunog na gusali sa Jersey. United Kingdom at naitakbo pa si Castrudes sa ospital pero kinalaunan ay idineklara na itong wala nang buhay.

Kahapon, tinanggap ng pamilya ni Castrudes ang death and burial assistance na handog ng OWWA.

Tiniyak nang OWWA sa pamilya ni Castrudes ang kanilang pangakong suportahan ang mga OFW pati ang mga kaanak nito lalo na sa panahon ng kawalan at pagluluksa.

Facebook Comments