Nakabantay ang kapulisan sa tahanan ng pamilya ng nasawing Overseas Filipino Worker na residente ng Basista, Pangasinan.
Sinubukang hingin ng IFM News Dagupan ang panig ng pamilya, ngunit ayon sa awtoridad, hiniling ng naulilang pamilya sa lokal na pamahalaan ng Basista na hindi muna magpapaunlak o haharap sa media kaugnay ng trahedya.
Si Mary Ann De Vera, ay nagtatrabaho bilang Caregiver sa Israel nang matamaan ng shrapnel habang tinutulungan sa kalagitnaan ng atake, ang kanyang pasyente na makapunta sa isang bomb shelter.
Nauna nang naglabas ng opisyal na pahayag ng pakikiramay ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan kasabay ng patuloy na panghihikayat ng pagdarasal para sa kaligtasan at kapayapaan sa Middle East. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







