Pamilya ni Kian delos Santos, nagpasalamat sa mabilis na paggulong ng hustisya sa binatilyo

Manila, Philippines- Nagpapasalamat ang mga magulang ni Kian delos Santos sa mabilis na paggulong ng hustisya.

Ito’y matapos sampahan ng kasong murder at paglabag sa anti-torture law ang pamilya ng napatay na si Kian Loyd delos Santos sa Department of Justice.

Ayon kay Public Attorney’s Office Chief Percida Acosta – kinasuhan sina Chief Insp. Amor Cerillo, PO3 Arnel Oares, PO1 Jerwin Cruz at PO1 Jeremias Pereda at iba pang hindi pinangalanang pulis.
Sinabi ng ama ng binata na si Saldy – panatag na ang kanyang kalooban nang mapanagot ang mga sangkot sa pagkamatay ng kanyang anak


Naniniwala ang pamilya na ginamit si Kian bilang instrumento para mawakasan ang mga walang saysay na pagpatay sa mga inosenteng buhay sa ilalim ng giyera kontra droga ng pamahalaan.

Facebook Comments