Pamunuan ng Baclaran Elementary School, tiniyak na may sapat na guro para ma-accommodate ang mga karagdagang mag-aaral

Tiniyak ng pamunuan ng Baclaran Elementary School na mayroon silang sapat na mga guro para ma-accommodate ang mga karagdagang mag-aaral na nag-enroll ngayong school year.

Ayon kay Ma. Carina Bautista, principal ng Baclaran Elementary School, ilan sa mga estudyante ay nagmula sa private school na lumipat sa Baclaran Elementary School na pampublikong paaralan.

Ang iba naman ay lumipat ng lugar at doon na ipinagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa naturang paaralan.

Inaasahan naman na tataas pa ang bilang ng higit sa 900 na mga enrollees sa mga susunod na araw.

Samantala, tumaas din ayon kay Bautista ang bilang ng mag-aaral na special needs education o Sneed’s kaya’t kailangan nila ng ibayong pagsisikap para mabigyan ng tamang gabay at edukasyon ang mga special child.

Facebook Comments