Pamunuan ng COMELEC, binalaan ang mga kandidatong hindi nagtatanggal ng kanilang mga campaign materials

COURTESY: Las Piñas PIO

Nagbabala ngayon si Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia sa mga kumandidato na maaari pa rin silang masampahan ng kaso dahil sa kabiguang magtanggal na kanilang mga campaign materials.

Sa ginawang pagbisita ni Chairman Garcia dito sa payatas dumpsite, tumambad sa mga opisyales ng COMELEC ang tone-toneladang mga basura na nabaklas dito pa lamang sa Quezon City.

Sa tala ng COMELEC mahigit 65 na tonelada ng basura ang nakuha mula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Ikinalulungkot ni Chairman Garcia na mayroon pa ring mga iresponsableng kandidato .

Paalala pa ni Garcia, nakasaad sa ilalim ng R.A 9006 na dapat limang araw ay natanggal na mismo ng mga kandidato ang ginawa nilang basura nanalo man sila o natalo.

Patuloy aniya ang COMELEC Task Force Baklas na nag-mo-monitor sa buong bansa para alamin ang mga kandidatong biging magtanggal ng kanilang nga ikinabit na tarpaulin.

Giit ni Garcia sa mga kandidato na hahabulin sila dahil hindi lang naman sila ngayon kakandidato.

Facebook Comments