
Pinalawig pa ng Department of Social Welfare and Develoment (DSWD) ang agarang pagbibigay ng psychosocial intervention at iba pang protective services sa 10 trafficked minors na-rescue kamakailan sa Sual, Pangasinan.
Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao ang naturang mga minor ay nagkaroon ng traumatic experiences at nangangailangan ng safety, emotional healing at long term support.
Una nang ipinag-utos ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ang mga minor victim ay agad na tulungan para maka-recover at ma-reintegrate sa kanilang pamilya at komunidad.
Paliwanag pa ni Dumlao na patuloy silang makikipag-ugnayan sa mga menor de edad at sa kanilang pamilya upang malaman kung ano pa ang maaaring tulong na maibigay ng DSWD.
Facebook Comments