Pamunuan ng isang mall sa Maynila, inaalam na ang dahilan kung bakit bumigay ang bahagi ng pader nito

876

Naglabas na ng pahayag ang pamunuan ng SM City Sta. Mesa matapos bumagsak ang bahagi ng kanilang pader.

Ayon sa statement ng SM City Sta. Mesa, bumigay ang bahagi ng pader sa kanilang driveway at isang kotse ang nabagsakan.


Nawasak ang kotse at nasugatan ang isang lalaking drayber pero agad naman rumesponde ang Emergency Response Team ng SM at mabilis din isinugod sa malapit na ospital ang biktima.

Nangyari ang insidente kahapon, Pebrero 15, sa kasagsagan ng 3-day sale ng naturang mall kung saan dagsa ang mga mamimili.

Dahil naman sa pangyayari, pansamantalang isinara ang lugar kung saan bumagsak ang pader habang patuloy din iniimbestigahan ng pamunuan ng mall ang nasabing insidente.

Facebook Comments