Pamunuan ng MRT-3, magsasampa ng hiwalay na reklamo laban sa babaeng Chinese na nagsaboy ng taho sa isang pulis

327

Plano ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) line 3 na magsampa ng hiwalay na reklamo laban sa Chinese national na nagsaboy ng dala nitong taho sa isang pulis na sumita sa kaniya.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Communications Goddes Hope Libiran, hindi na nila papayagan na makatungtong sa lahat ng istayson ng MRT ang estudyanteng si Jiale Zhang na 23-anyos.


Nauna nang sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Guillermo Eleazar na dapat ituring na ‘undesirable alien’ si Zhang.

Si Zhang ay nahaharap sa reklamong direct assault, disobedience to a person in authority at unjust vexation.

Facebook Comments

From Advertisers