Pamunuan ng Resorts World Manila, aminadong may security lapses

Manila, Philippines – Aminado ang pamunuan ng Resorts World Manila na mayroon rin silang kakulangan sa nangyaring pag-atake ng isang lalaki.

Sa isang press briefing, sinabi ni resorts World Manila Chief Operating Officer (COO) Stephen Reilly na bagama’t sapat ang bilang ng kanilang security guards nang mangyari ang pag-atake ay wala namang kalaban-laban ang mga ito.

Aniya, dahil wala silang mga baril o anumang armas na maaaring ipangdepensa sa gunman.


Kasabay nito, nilinaw rin ni Reilly na walang naging problema sa kanilang mga fire safety equipment.

Nagkataon lang aniya na hindi apoy ang kanilang kalaban kundi ang usok na nagmula sa kung ano mang gamit na dala ng gunman na naging dahilan ng suffocation at tuluyang pagkamatay ng mga biktima.

Umaasa naman ang pamunuan ng Resorts World Manila na sa lunes, Hunyo a-5 ay muli na silang makakabalik sa operayson.
DZXL558

Facebook Comments