Pamunuan ng Resorts World Manila, ibinahagi ang kuha ng Closed Circuit Television cameras ng pag-atake ng suspek na si Jessie Carlos

126

Ibinahagi ng pamunuan ng Resorts World Manila ang kuha ng Closed Circuit Television cameras noong umatake ang suspek na si Jessie Carlos kung saan nasawi ang 38 katao.

Ayon kay RWM President Kingson Sian, base sa kanilang imbestigasyon, hindi bababa sa 300 rounds ang pinakawalan ng gunman na dating empleyado ng Department of Finance.


Bagama’t walang tinamaan, nagdulot aniya ito ng takot sa mga nasa loob ng hotel at casino sa Pasay City.

Sinabi naman ni Mary Grace Rayala ng Lanting Security Agency, hindi dumaan sa walk-through metal detector si Carlos kaya sinubukan niya itong habulin.

Nag-radyo rin aniya siya sa mga kasama nilang mga security guard para i-alerto ang mga ito na nakapasok si Carlos.

Aminado naman ang mga CCTV monitoring personnel na inabandona nila ang kanilang pwesto.




Giit ni Sr. Supt. Dionisio Bartolome, hepe ng pasay police na ito ang dahilan kung bakit nahirapan silang matuton ang suspek.

Magugunitang sa loob ng casino nagsimulang magsunog si Carlos na kinalaunan ay nagtago sa loob ng isa sa mga kwarto ng hotel at nagpakamatay.

DZXL558

Facebook Comments