Pamunuan ng Skyway, humingi ng pasensya sa mga motoristang napeperwisyo ng One-Way Traffic Scheme

Humingi ng kaunting pasensya ang pamunuan ng South Luzon Expressway (SLEX) sa matinding trapikong nararanasan ng mga motorista.

Ito ay dahil sa pagpapatupad ng One-Way Traffic Scheme sa East Service Road mula Alabang hanggang Sucat.

Ayon kay Skyway Operation & Management Corp. President Manuel Bonoan, inaasahang unti-unting gagaan ang lagay ng trapiko sa lugar kapag natapos na ang Skyway Extension.


Maliban dito, may mga ipinatutupad din silang mga hakbang kabilang ang paglilimita sa pagpasok ng heavy vehicles sa umaga at gabi.

Inaasahan sa katapusan ng Nobyembre ay mararanasan na rin ng mga motorista ang unti-unting ginhawa.

Facebook Comments