Panalo ang balitang ito!

153

Kahapon ibinalik ng isang residente ng Calasiao na nag ngangalang Marcelino Liquiran ang isang wallet na naglalaman ng 4,700 at ibat-ibang id’s na napulot sa kahabaan ng Barangay Mancup Calasiao.

Ayon sa PNP Calasiao alas tres ng hapon pumunta si Liquiran sa kanilang tanggapan upang isauli ang napulot na wallet. Si Liquiran ay isang tricycle driver at siya ay hinangaan ng ibang netizen dahil sa kaniyang kabutihang loob na ibalik ang kaniyang napulot.


Napagalaman na pag mamay ari ng isang nag ngangalang Edward Lopez ang nagmamay-ari ng wallet at ang asawa nito ay lubos na nagpapasalamat sa ginawa ni Liquiran.
Walang maliit o malaki sa pag gawa ng kabutihan.

Photo credited to PNP Calasiao

Facebook Comments