PANALO | Barangay Ginebra, nasungkit ang kampeonato sa 2018 PBA Commissioner’s Cup

Manila, Philippines – Matapos ang 21 na taon, nasungkit na din ng Barangay Ginebra ang kampeonato sa 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Ito ay matapos talunin ng Gin Kings ang San Miguel Beermen sa score na 93-77 kung saan pinangunahan ni Justin Brownlee ang Ginebra na may 31-points.

Ito naman ang pang-21th championship ni coach Tim Cone at tatlo dito ay mula sa Ginebra.


Itinanghal naman na finals MVP si Scottie Thompson dahil sa malaking tulong nito sa Gin Kings partikular sa offensive at defensive rebounds.

Facebook Comments