PANALO! | Tacloban Fighting Warays, Bali Pure wagi sa Philippine Volleyball League

23

Manila, Philippines, Philippines – Umiskor ng 28 points si Thai reinforcement Hyapha Amporn habang ibinigay naman ni Jovielyn Prado ang mga killer blow para pangunahan ang Tacloban Fighting Warays sa 25-27, 28-26, 25-19 at 25-23 na comeback win kontra Banko Perlas sa pagpapatuloy ng PVL Reinforced Conference sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Dahil sa panalo, umangat sa 2-1 win-loss slate at sosyo sa taas ng team standings ang Tacloban kasama ang Creamline at Paymaya.

Sa unang game, nagpasiklab si Janisa Johnson sa kaniyang 31 points para buhatin ang bali pure-nu sa kanilang unang panalo sa Torneo.

Tinalo ng Water Defenders ang Petro Gazz Angels, 22-25, 25-23, 28-26, 22-25 at 15-12.

Facebook Comments