PANANAGUTIN | DOH, patuloy ang ginagawang imbestigasyon sa mga pagkakamali ng Metro Antipolo Hospital Medical Center hinggil sa pagkamatay ng isang lalaki sa tapat ng nasabing ospital

Antipolo – Todo tanggi pa rin ang Metro Antipolo Hospital Medical Center sa alegasyon na tinanggihan nitong tulungan ang isang supervisor ng Miescor na nasagasaan sa tapat mismo ng naturang ospital.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, inatasan niya si Regional Director Ed Janairo na magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa tunay na nangyari sa biktimang si Elmer Hernandez.

Giit ni Duque, hindi katanggap-tanggap at walang legal na basehan ang paliwanag ng mga tauhan ng hospital na kanilang protocol dahil mandato ng mga hospital na magbigay ng paunang lunas o first aid sa mga pasyenteng nasa kritikal na kalagayan.


Nakiusap din ang kalihim na tulungan sila na mabigyan pa ng karagdagang impormasyon kung saan handa naman magbigay ng assistance ang DZXL 558 para malaman ang mga pagkakamali ng nasabing ospital.

Facebook Comments