PANANAGUTIN | Mga local officials na mapapatunayang nagpabaya sa Boracay, kakasuhan – Palasyo

28

Manila, Philippines – Nais ng Pangulo na makasuhan ang mga lokal na opisyal
na makikitaan ng pananagutan sa nangyaring kapabayaan sa Boracay Island.
Ito ang ibinabala ng Malacañang bunsod pa rin ng isinasagawang
rehabilitasyon sa isla.

Ayon kay Presidential Spokesman Sec Harry Roque, hindi kasi magkakaroon ng
paglabag sa mga batas pangkalikasan sa Boracay kung una pa lamang ay naging
responsable na ang mga lokal na opisyal sa lugar, at hindi hinayaang
humantong ang Boracay sa kasalukuyan nitong sitwasyon.

Ito rin ayon kay Roque ang dahilan kung bakit isinali ang DILG sa DOT at
DENR sa pagsasaayos ng Boracay.

Ang DILG aniya ang tututok sa pagpapapanagot ng mga pabayang opisyal, at
pagsasagawa ng life style check sa mga ito.

Dagdag pa ni Roque, ang mensaheng pagpapanagot na ito ng pangulo ay hindi
lamang para sa mga local officials sa Boracay, kundi para sa lahat ng mga
kinauukulan na hindi ginagampanan ang kanilang katungkulan.

Facebook Comments