Pananahimik ni Sec. Francisco Duque kaugnay sa anomalya sa PhilHealth, napuna ng liderato ng Senado

583

Ipinagtataka ni Senate President Tito Sotto III ang katahimikan ni Health Secretary Francisco Duque kaugnay sa isyu ng katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.


Ipinunto ni Sotto na bilang Health Secretary ay si Duque ang Ex-Officio Chairman ng board ng PhilHealth pero kapuna-puna na wala itong nilalabas na anumang pahayag.

Nabatid ni Sotto na present din si Duque sa virtual meeting kung saan nagkasigawan ang mga opisyal ng PhilHealth dahil sa isyu ng katiwalian.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado bukas ukol sa PhilHealth anomalies ay sinabi ni Sotto na kung gugustuhin ni Duque ay maaari itong dumalo sa pagdinig kahit hindi nila pinadalhan ng pormal na imbitasyon.

Facebook Comments