Pananakit ng isang ina sa kaniyang anak, trending sa social media

156

Manila, Philippines – Nag viral ngayon sa social media ang video ng pananakit ng isang ina sa sarili nitong anak na babae sa labas ng isang tindahan sa Kawit, Cavite.

Batay sa video, ilang ulit hinampas sa ulo at tinadyakan ng ina sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang kanyang anak.


Ayon sa kapitan ng barangay balsahan bisita na si Anthony Del Rosario, nag-mapanood niya ang video ay agad niyang ipinatawag sa barangay hall ang mag-ina.

Paliwanag naman ng ina na hindi na pinangalanan, napuno na siya sa katigas ng ulo ng kanyang anak.

Kwento ng bata, noong Huwebes, May 18 lang siya nasaktan ng kanyang ina.

Aniya, pinaliligo na siya ng kanyang ina pero ayaw pa niya kaya siya nito nasaktan.




Tiniyak naman ni Del Rosario na ipapaubaya na nila sa Department of Social Welfare of Development ang kaso ng mag-ina.

DZXL558

Facebook Comments