Pananaksak sa isang napagkamalang batang hamog, huli sa CCTV

17

Manila, Philippines – Patay ang isang 13-anyos na binatilyo matapos pagsasaksakin habang natutulog sa Project 4, Quezon City.

Sa kuha ng CCTV, makikitang mahimbing na natutulong ang lalaking biktima nang may pumaradang SUV sakay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki.

Bumaba ng sasakyan ang lalaki, pinagmasdan ang batang natutulog, at bumalik sa sasakyan.

Maya-maya, sumugod na ang lalaki at inundayan ng saksak sa leeg ang binatilyo.

Nakatayo pa ang biktima matapos masaksak, pero napabulagta sa kalsada.

Batay sa imbestigasyon, napagkamalang batang hamog ang biktima dahil may ilang bata sa lugar ang nanggagasgas ng sasakyan.

Patuloy ang imbestigasyon sa nasabing pananaksak.
DZXL558

Facebook Comments