
Naniniwala si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio na lalong ngayong tumitindi ang galit ng taumbayan laban sa pandarambong kaugnay sa flood control corruption scandal.
Sinabi ito ni Tinio sa harap ng nararanasan ngayon na matinding pag-ulan at pagbaha hatid ng pananalasa ng Bagyong Tino.
Ayon kay Tinio, tuwing umuulan, bamabagyo, bumabaha ay nananariwa ang galit ng taumbayan dahil wala pa ring napaparusahan sa mga sangkot sa katiwalian.
Bunsod nito ay ipinaalala ni Tinio sa gobyerno na kailangan na talagang wakasan ang korapsyon at tiyakin na mananagot ang mga sangkot mula sa Malacañang.
Nananawagan din si Tinio na buwagin na ang pork barrel system.
Facebook Comments









