Pananatili ng mga sumailalim sa quarantine sa Clark Pampanga, naging kumportable ayon sa miyembro ng Health Response Team

Matapos ang 2 linggong pananatili sa Athletes’ Village sa Clark, Pampanga ay sa wakas nakatakda nang makalabas ang nasa 49 na kababayan natin na sumailalim sa quarantine.

Kabilang na dito ang 30 OFWs na galing sa Wuhan, China at medical team na sumundo sa kanila.

Ayon kay Dr. Neptali Labasan ng Health Response Team, naging kumportable ang pananatili nila sa quarantine area kung saan naibibigay ang kanilang pangangailangan.


Bukod sa tamang pagkain mula sa dietitian, naka-aircon sila, may tv at iba pang libangan.

Malaki din ang naitulong ng internet dahil dito nila nakikita at nakakausap ang kanilang pamilya.

Samantala, makakatanggap ng certificate ang lahat ng sumailalim sa quarantine patunay na sila ay clear mula sa sakit na COVID-19.

Facebook Comments