Pananatili sa liderato ni Speaker Alan Peter Cayetano, tiniyak ng isang kongresista

81

Natitiyak ni ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap na walang panawagan o pagkilos na bakantihin ang liderato ng Kamara.

Nilinaw ni Yap na hindi itinutulak ni Davao City Rep. Paolo Duterte na mabakante ang leadership post ng Kamara partikular kay Speaker Alan Peter Cayetano bagkus ay bukas lamang aniya ito kung nanaisin ng ibang mga mambabatas na magpalit ng liderato.

Hindi rin aniya kakayanin ng Kamara na magkaroon pa ng loyalty check dahil nasa gitna sila ng pagdinig ng pambansang pondo at budget ng taumbayan ang nakasalalay dito.

Nanawagan din ng pagkakaisa si Yap sa mga kapwa kongresista sa gitna ng pagdinig sa panukalang ₱4.5 trillion 2021 national budget.

Aniya, hindi magandang nakikita ng publiko na nagpapatutsadahan silang mga kongresista habang tinatalakay ang panukalang pambansang pondo.

Facebook Comments