PANANDALIAN | Senior Associate Justice Antonio Carpio, pansamantalang uupong acting Chief Justice

460

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Supreme Court Spokesperson Atty. Ma. Victoria Guerra na si Senior Associate Justice Antonio Carpio ang magiging Acting Chief Justice

Ito ay sa sandaling magretiro na si outgoing Chief Justice Teresita De Castro.

Ayon kay Guerra, base sa Section 12 ng Republic Act 296 o ang Judiciary Act of 1948 , ang Senior Associate Justice ang otomatikong uupong acting chief justice kapag bakante ang nasabing posisyon.

Bukas ang huling araw ng panunungkulan ni De Castro bilang chief justice kung saan pangungunahan nya ang en banc session sa umaga at oral arguments naman sa hapon kaugnay ng pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court.

Facebook Comments