‘Pandemic’, hinirang bilang Merriam-Webster’s Word of the Year

46

Hinirang ang salitang ‘Pandemic’ bilang 2020 Word of the Year ng Merriam-Webster.

Ayon sa Merriam Webster, ang nasabing salita ang may pinakamaraming dictionary lookup kumpara sa ibang salita.


Nagsimula ang pagtaas sa bilang ng dictionary lookups ng salitang Pandemic noong Marso 11 kasabay ng opisyal na pagdedeklara ng World Health Organization na nasa ilalim na ang buong mundo ng COVID-19 pandemic.

Nabatid na ang salitang ‘They’ ang hinirang na word of the year ng kaparehong diksyunaryo noong nakaraang taon habang ‘Justice’ naman noong 2018; at ‘Feminism’ noong taong 2017.

Facebook Comments