Panelo, iminungkahing magkaroon ng survey para malaman kung marami ang naniwala sa ‘jet ski’ joke ni Pangulong Duterte

385

Naniniwala si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na dapat pakinggan ang pulso ng publiko kung binoto ba nila si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 elections dahil naniwala silang tutungo siya sa Spartlys sakay ng jet ski o binoto nila sa kabila ng kanyang mga biro.

Ito ang sinabi ng Malacañang official sa harap ng mga kritisismo ukol sa pag-amin ni Pangulong Duterte na nagbibiro lamang siya na pupunta sa West Philippine Sea na naka-jet ski at maglalagay ng watawat ng Pilipinas sa lugar.


Ayon kay Panelo, alam ng mga bumoto kay Pangulong Duterte na siya ay nabibiro lamang nang sabihin niya ang ‘jet ski brouhaha.’

Aniya, kilala ng mga botante na mapagbiro lamang ang Pangulo.

Suhestyon ni Panelo na magsagawa ng survey hinggil dito.

Facebook Comments