Panelo kay Robredo: Magkaibigan tayo pero walang personalan

431

Ikinokonsidera ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo si Vice President Leni Robredo bilang kaibigan sa kabila ng palitan ng matitinding kritisismo.

Sa kanyang programang Counterpoint, ipinaliwanag ni Panelo na walang personalan ang kanyang pagsagot sa mga kritisismo ni Robredo laban sa pamahalaan.


Iginiit ni Panelo na hindi lamang niya gusto ang paraan na pagkomento at pagpuna ni Robredo sa pamahalaan.

Nais lamang ni Robredo na maging “politically relevant” nang subukan niyang sisihin ang pamahalaan sa pagkakaantala ng pagdating ng mga bakuna.

Aniya, patuloy na pinupuna ni Robredo ang gobyerno na walang basehan at hindi nag-iisip.

Sa kabila nito, nananatili pa rin ang pagkakaibigan nila ni Robredo kahit magkaiba ang kanilang political alliances.




Facebook Comments