Panelo, nilinaw na hindi siya nakikipag-away kay Robredo

111

Nilinaw ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na hindi siya naghahamon ng away kay Vice President Leni Robredo.

Paliwanag ni Panelo, sinasagot lamang niya ang mga kritisismo ni Robredo sa administrasyon.


Binanggit din ni Panelo na mayroong gumugulong na isang online petition na nananawagan ng pagreretiro ni Robredo mula sa politika.

Bagama’t naglunsad ang mga tagasuporta ni Robredo ng isang online petition na sumusuporta sa kanyang presidential bid sa susunod na taon, mayroon ding counter petition para rito na inihain online.

Nasa higit 67,000 ang lumagda sa petition na pinamagatang “I am ready for Leni to retire from politics.”

Ang mga pro-Robredo movement na “I am ready for Leni” ay nakakuha pa lamang ng nasa 41,000 signatures.




Facebook Comments