Panelo, pinagsabihan sina Agot Isidro at Enchong Dee na alamin ang ‘facts’ bago magkomento sa isyu ng ABS-CBN

783

“Tatakbo ba kayo sa public office sa susunod na taon?”

Ito ang tanong ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa dalawang celebrities na kritikal sa gobyerno kasunod ng mga komento nila sa mga isyu.


Ipinaalala ni Panelo kina Agot Isidro at Enchong Dee na alamin muna ang “facts” bago magkomento sa mga isyu lalo na sa ABS-CBN franchise.

Dagdag pa ni Panelo, mahilig ang mga ito na magkomento sa mga isyu na tila may balak tumakbo sa politika.

Hinikayat ni Panelo sina Isidro at Dee na iwasang magkomento sa mga isyu hanggang sa mayroon silang ginawang research at facts sa isyu.

Pagtitiyak ni Panelo na tatalakayin niya ang mga sinasabing tax obligations ng ABS-CBN matapos i-review ang ilang dokumento na hinihingi niya mula kay Senator Christopher Go.




Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Telecommunications Commission (NTC) na huwag bigyan ang ABS-CBN ng license-to-operate kapag hindi nagbabayad ng buwis.

Facebook Comments