Panelo, pinayuhan si VP Robredo na magtrabaho na walang publicity

246

Nagpaalala si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kay Vice President Leni Robredo na gawin ang kanyang trabaho na walang publicity.

Ayon kay Panelo, palaging naglalabas ng ‘press release’ at ‘paawa effect’ si Robredo para ipakitang tumutulong ang kanyang opisina sa mga tao sa kabila ng limitadong resources.


Iginiit ni Panelo na dapat hayaan ni Robredo ang kanyang mga benepisyaryo ng kanyang mga programa ang magpalaganap ng balita tungkol sa kanyang mga nagawa.

“Ito naman si VP Leni yung daw kanyang opisina, akala mo naman ubod ng laki ‘We are doing, we are looking ways, resources kahit limited.’ Nagpaawa effect pa. Sus VP Leni, gawin mo na lang. Huwag ka na kasi maraming anunsyo. Just do your job. Hayaan mo na ‘yung tao tinutulungan mo na ang magparating. Huwag ka nang.. Puro ka naman ano eh, puro press release,” sabi ni Panelo sa kanyang programang Counterpoint.

Dagdag pa ni Panelo, walang problema ang tumulong sa ibang tao mapa-public official man o hindi dahil nagbibigay ito ng life satisfaction.

Facebook Comments