PANG-AAGAW UMANO NG 67 EKTARYANG LUPAIN SA BAYAMBANG, PINABULAANAN

Pinabulaanan ni Former Bayambang Mayor Cesar Quiambao ang akusasyon sa pangangamkam umano ng 67 ektaryang lupain sa Brgy.Bani na magiging developmental site ng BYB Metro matapos ang katanungan sa ilang residente.

Mariing iginiit ng opisyal na hindi sila ‘land-grabber’ matapos mabili ng kanilang kompanya ang lupain sa Central Azucarera de Tarlac o CAT Realty.

Daing naman ng ilang residente na apektado sa Karapatan sa lupa ang unting halaga mula sa kompanya ng opisyal dahil sa binabayarang pagkakautang sa banko upang makakuha lamang ng lupa sa naturang bahagi.

Hiling naman ng ilan na huwag mapasawalang bahala ang kanilang Karapatan sa lupa na minana pa umano sa kanilang mga ninuno at tanging ‘rights’ lamang sa lupa ang pinanghahawakang dokumento.

Samantala, ayon sa Municipal Legal Office, ang naturang lugar ay matagal ng pag-aari ng CAT Realty bago pa mabili ng kompanya ng mag-asawang Quiambao.

Ang naturang lupain ay pinaniniwalaang inagaw din umano ng CAT Realty sa mga magsasaka noong 1947 bilang kabayaran sa pagkakautang ng isang Isabelo Hilario, na wala umanong ari-arian sa naturang bahagi ayon sa Alyansa ng mga Magbubukid Sa Gitnang Luzon.

Tiniyak ni Quiambao na dumaan sa tamang proseso ang pag-angkin sa lupa at na hindi pinaalis ang mga residente na nakatira sa 20 ektarya ng lupain na nilagyan ng titulo upang kanilang mabili at ilipat sa kanilang pangalan.

Base sa datos ng Municipal Assessor’s Office, 1975 pa ng napagpasyahan ng Korte Suprema na maaaring gamitin sa residential,commercial,at industrial purposes ang bahagi ng Brgy.Bani na kinatitirikan ng ipatatayong BYB Metro. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments