Pang. Duterte, walang planong bumaba sa pwesto sa kabila ng pagkadismaya nito sa nagpapatuloy na korapsyon sa bansa

422

Walang balak magbitiw sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque sa harap na rin ng pagkadismaya ng Pangulo sa walang tigil na korapsyon sa bansa.

Matatandaang sa talumpati kagabi ng Pangulo, nasabi nito na balak niyang magbitiw sa pwesto.

Pero ayon kay Roque, hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na nabanggit ito ng Pangulo.

Ayon kay Roque, muli lamang itong nasabi ng Pangulo dahil sa pagkadismaya, sa ilang taon niya sa pwesto ay talamak pa rin ang korapsyon sa kaban ng bayan.

Sa katunayan, sinabi ng kalihim na gugugulin ng Punong Ehekutibo ang nalalabing panahon ng kanyang termino para linisin ang korapsyon sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Facebook Comments