Pangakong pardon sa mga nasa likod ng pagpatay kay Mayor Espinosa, binatikos ni Sen. Trillanes

118
Manila, Philippines – Para kay Senator Antonio Trillanes IV, isang patunay na state sponsored ang mga nagpapatuloy na patayan sa bansa ay ang pangako ng pangulong rodrigo duterte na bibigyan niya ng absolute pardon ang mga nasa likod ng pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa.
 
Diin ni Trillanes ang pangakong pardon ng pangulo ay bilang kapalit sa pagsunod sa kanyan utos kaugnay sa giyera laban sa illegal na droga.
 
Dismayado si Trillianes, dahil hindi  pa man nahahatulan ng korte ang mga akusadong  miyembro ng Criminal Investigaiton and Detection Group o CIDG region 8 ay may ganito  na agad na ang pangulo.
 
Paliwanag Trillianes, hindi ganun kabilis ang pagkakaloob ng absolute pardon.
 
Kailangan munang mahatulan ng korte ang mga Leyte police at para mapabilis ang paglilitis sa korte ay dapat na magplead ng guilty ang mga ito kung saan otomatiko silang matatanggal sa serbisyo.


Facebook Comments