Pangalan ng Benham Rise, pinalitan na ng Philippine Rise

239

Manila, Philippines – Tatawagin na ngayong Philippine Rise ang kila­lang Benham Rise na nasa katubigan ng Pilipinas.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol – inaaprubahan ni Pangulong Duterte ang kanyang proposal para palitan ang pangalan ng Benham Rise.


Nilinaw ni Piñol na dahil dito, hindi na pinapayagan ng Pilipinas ang pagkakaroon ng oil exploration o pagmimina ng langis sa loob ng 13 million-hectare Philippine Rise.

Aniya, inaprubahan din ni Duterte ang kanyang proposal para magtayo ang pamahalaan ng pasilidad sa shallo­west portion na tatawa­ging Benham Bank kasama na dito ang m­alaking cold storage bilang patunay na ang rehiyon ay mayaman sa lamang dagat tulad ng yellow fin tuna.

DZXL558

Facebook Comments