Pangalawang anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, isinilang na

113

Lubos ang kasayahan ngayon ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera matapos na isilang ang ikalawa nilang anak na si baby Jose Sixto G. Dantes IV.

Ipinanganak ni Marian ang isang bouncing baby boy ala-una ng hapon, kahapon, sa Makati Medical Center.

Say ng aktres, kahit mahirap at 10 oras siyang nag-labor ay worth it naman matapos na makita si baby Sixto.

Ang kanilang pangalawang anak ay isinunod sa pangalan ng ama ni Dingdong.

Kasabay nito, bumuhos ang mga pagbati ng mga kaibigan mula showbiz industry sa mag-asawa tulad nila Ruru Madrid, Loisa Andalio, Andre Paras at marami pang iba.

Facebook Comments