Tinugunan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Alaminos City, ang pangangailangan ng mga alagang hayop sa pamamagitan ng isinagawang libreng veterinary mission sa lungsod.
Layon ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga pet owner sa tamang pag-aalaga at pangangalaga sa kalusugan ng kanilang mga alaga, kabilang na ang pagpapanatili ng rabies-free na komunidad.
Maliban sa libreng gamutan at bakuna, tumanggap din ng mga regalo at karagdagang kaalaman ang mga lumahok hinggil sa responsible pet ownership at animal welfare.
Patuloy namang hinikayat ng pamahalaang panlalawigan ang mga mamamayan na pangalagaan ang kanilang mga alagang hayop bilang bahagi ng pagpapanatili ng isang ligtas at malusog na pamayanan.









