Pangangailangan ng mga biktima ng bus accident sa Nueva Ecija, dapat tiyaking maibibigay ng bus company

50

Manila, Philippines – Nagpaabot ng pakikiramay si Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe sa mga biktima ng pagbulusok sa bangin sa Nueva Ecija ng Leomarick bus bumulusok kung saan 31 ang binawian ng buhay, habang marami ang sugatan.

Ayon sa senadora, kalunos-lunos na isa na namang bus ang naghatid ng mga pasahero sa malagim na kamatayan.

Kaugnay nito ay iginiit ni Senator Poe sa sa kinauukulan, lalo na sa kumpanya ng bus, na asikasuhin sa lalong madaling panahon ang mga biktima at ang kanilang mga pamilya sa sandaling ito ng pangangailangan.

Binigyang diin ni Senator Poe na dapat pairalin natin ang malasakit sa panahong ito ng trahedya.

Facebook Comments