Panganganak ng edad 10 hanggang 14, Problema sa Bansa- POPCOM

36

*Cauayan City, Isabela*- Nababahala ngayon ang Commission on Population (POPCOM-RO2) dahil sa pagtaas ng bilang ng teenage pregnancy sa mga edad 10 hanggang 14 sa Pilipinas.

Ayon kay POPCOM Regional Director Herita Macarubbo na pabata ng pabata ang mga kabataang namumulat sa early sexual encounter.


Tinatayang nasa 63% o mahigit 2,000 ang bilang ng itinaas ng mga kabataang maagang nanganganak kumpara sa mga nakalipas na taon.

Lumalabas din na karamihan sa mga kalalakihang nakabuntis ay mas matanda kumpara sa batang ina.

Sinabi pa ni Macarubbo na bumaba ang insidente ng teenage pregnancy sa mga kabataang edad 15 hanggang 19 habang naitala din na isa sa pinakamababa na teenage pregnancy sa Probinsya ng Cagayan.

Kaugnay nito, isasama na rin sa mga interventions ang mga kabataang kalalakihan at pagbibigay ng social protection sa mga ito.

Iginiit din ni Macarubbo na lubhang mapanganib sa kalusugan ang maagang pagbubuntis.

Facebook Comments